Paolo Flores August
12, 2013
3B FCC – Filipino Movie
Review
Film Review: Sister Stella L.
Paglalahat: Matapos malaman ni Sister
Stella ang pagwawalang-bahala sa kalidad ng pag-aalaga at respeto sa mga
trabahador, nabuksan ang kanyang pananaw sa politikal na aspeto ng pamahalaan
at sa mga trabahador, at nakisali siya sa kanilang mga demonstrasyon sa harap
ng pabrikang pinagtatatrabahuhan nila. Nakaranas siya at ang iba pang mga
manggagawa ng mga problema – patayan, madaming nasaktan – siya pa rin ay
nagpursugi sa pagbubukas ng mga mata ng Pilipino sa kalagayan ng mga manggagawa
hanggang sa pinakahuling eksena ng pelikula.
Review:
Ito
ang isa sa Pilipinong Pelikula na puno ng mura kapag si Jay Ilagan, ang actor para
kay Nick Fajardo, ang dating kasintahan ni Sister Stella, ang magsasalita na.
Inilalarawan ang isa sa mga problema sa Pilipinas noong matapos ang Martial
Law, at kakalaya lang ng mga Pilipino sa isang panahong narerestrikto ang
kalayaan ng pagpapahayag, na takot silang magpalabas ng mga artikulong
bumabatikos sa pamahalaan, sa takot na maaaring maulit ang kanilang naranasan;
marahil, ito ang isa sa mga dahilan kaya makikita na kahit ang mga
nagpoprotesta ay natatakot dahil sa trato sa kanila noon ay di pa rin nagbago
sa kasalukuyang panahon.
Ang
pelikula ay di gaanong maganda, lalo na sa transitional
effects; nagkakaroon ng saglitang pagbabago o putol na walang koneksyon sa
panahon na nangyari ang isang pangyayari sa isa pang pangyayari. Problema pa,
yung audio na ginamit, mas malakas pa ang background sound kaysa sa boses ng
mga karakter, kaya minsan di maintindihan ang sinasabi. Ang medyo nagpaganda
lang ay ang tindi ng emosyon na ipinahihiwatig ng bawat karakter; bawat saglit
may drama, ngunit di naman gaanong nakakalimutan lagyan ng ligaya ang iilang
eksena, lalo ng kapag ipinagsasama sina Sister Stella at si Nick.
Minsan
nga lang, sobra ang drama na kanilang ibinibigay, na dumadagdag ito sa problema
ngunit walang relasyon sa pinakasinasabi ng pelikula; halimbawa na lang, yung
buntis na alaga ni Sister Stella sa Kumbento, isinaad niya ang kanyang problema
kay Stella, at habang nagpatuloy ang storya, niabunyag kung ano ang nangyari sa
kanya, kung paano iniwan lang siya ng kanyang kasintahan. Sa huli, pinakita na
di niya na kinaya ang pagod at gulo na nangyayari sa kanyang isipan, at sa
pagtanggi ni Sister Stella na manatili sa kumbento, siya ay nagpakamatay.
Sinasabi nito kung paano tayong mga Pilipino ay nagiging emosyonal, lalo na sa
oras ng kalungkutan o problema.
Nailantad
din ang iilang problema noong panahong iyon na sa hanggang ngayon ay makikita
pa rin: pag-aabuso sa mga manggagawa, lalo na sa mga manggagawang di nakatapos
ng kolehiyo o kaya mataas na edukasyon. Hindi sila binibigyan ng gaanong
importansya, at tingin ng mga namumuno ng mga pagawaan ay gamit lang sila na madaling
pallitan. Halimbawa nga eh kung paano pinatay ang namumuno sa demonstrasyon ng
mga inutusang tao ng may-ari ng pabrika sa pag-iisip na titigil ang
kani-kanilang demonstrasyon, pero hindi ito tumigil. Tumatag pa ito at naipakita
ang kagalingan ng mga Pilipino sa kanilang pagkakaisa.
Naipakita
din ang mga problema sa Komunismo, lalo na sa grupo ng CPP/NPA (Communist Party
of the Philippines/New People’s Army) kung saan ay tutol sila sa pamumuno ng
babaeng presidente.
Maibibigay
ko sa pelikula na ito ang 3 out of 5 stars. Maganda ang isinasabi, ngunit
magulo ang daloy at ang mga epekto na ginamit upang mapaganda ito.
No comments:
Post a Comment